Sayaw kontra karahasan at kahirapan pangungunahan ni Joy B ngayong Valentine

MANILA, Philippines - Pangungunahan ngayong Valentine’s Day ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang ‘One Billion Rising’, isang global campaign na sama-sama ang mga  kababaihan sa buong mundo para malabanan at mapigilan ang kahirapan at mga karahasan sa mga kababaihan na gaganapin sa Amoranto sa lungsod.

Sabay-sabay na sasayaw ang isang bilyong mga kababaihan sa iba’t ibang panig ng mundo sa may 200 mga bansa para depensahan at ideklara ang kanilang com­mit­ment na mawakasan ang kahirapan at karahasan sa mga kababaihan.

Ngayong taon, ang Pilipinas  ang host country ng pro­yekto dahil napili si Vice Mayor­ Belmonte, isang women­ rights advocate at kinilalang isa sa mga  kampeon sa buong mundo na nagta­taguyod  ng mga programang nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa bansa. 

Sa lungsod ay patuloy ang pagpapalaganap ng kam­panya ng QC Protection Center for Gender based Violence and Abuse para ma­pangalagaan ang mga kababaihan at mga kabataan sa anumang uri ng pang-aabuso at karahasan.

Taong September 2012 nang simulan ang programang ito ng ibang ibang bansa kasama ang Pilipinas.

Show comments