Chinese, 1 pa huli sa droga

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Chinese national at ang isang 76-anyos na caretaker ng isang big-time shabu dealer ang bi­nit­bit sa isinagawang operas­yon ng NBI sa Marikina City.

Sa pahayag kahapon ng NBI, may hawak silang search warrant mula sa Manila Regional Trial Court laban sa big-time drug dealer na si David Chua kaya sinalakay ang  taha­nan nito noong Sa­bado (Pebrero 9) sa Marikina City, kung saan nadakip ang isang Lin Chao Min, na na­hulihan ng shabu.

Itinanggi  niya na siya si David Chua at itinuro ang bahay sa Longhorn St.,  Brgy. Concepcion Dos, Marikina City kung saan matatagpuan umano si David Chua na source umano niya ng shabu.

Kamakalawa ng hapon, sinalakay  ang bahay na itinuro ni Min subalit wala ang pakay na si Chua at ang inimbitahan lamang sa NBI ang nadatnan na  lalaking  caretaker nito.

Bukod pa rito, nakumpiska rin sa bahay ang isang vacuum packing machine, stirring tube, plastic bag, na pinaniniwalaang gamit sa pagre-repack.

Show comments