MANILA, Philippines - Aabot sa dalawang libong pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog na naganap sa Malabon City kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Malabon City Bureau of Fire, dakong alas-11:50 ng umaga nang makarinig umano ng pagsabog ang mga residente sa Lapu-Lapu Avenue, Dagat-Dagatan ng naturang lungsod kasabay ng pagsiklab ng malakas na apoy dito.
Dahil gawa sa mga light materials ang karamihan sa mga kabahayan sa nasabing lugar kung kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng pamatay- sunog sa nasabing lugar na nagtulung-tulong upang maapula ang apoy. Dakong ala-1:30 ng hapon ng ideklarang fireout ang sunog na umabot sa 2nd alarm.