MANILA, Philippines - Tapusin na ang anoÂmalya sa Philippine AssociaÂtion of Local Treasurers and Assessors, Inc. (PHALTRA)!
Ito ang panawagan ni dating PHALTRA president Dr. Victor Endriga sa lahat ng miyembro nito sa buong bansa kasunod ng nalalapit na eleksiyon para sa bagong opisyales nito sa darating na Pebrero 19, 2013 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Ani Endriga, mula nang pamunuan ni Nestor QuiamÂÂbao ang PHALTRA ay nagutom na sa benepisyo ang mga miyembro nito gaya ng paggamit sa punong tangÂgapan ng PHALTRA.
Bukod dito, binastos umano ni Quiambao ang Saligang Batas ng PHALTRA nang iligal na amyenÂdahan nito ang probisyon patungkol sa eleksiyon na hindi aprubado ng kabuuang miyembro upang maging kwalipikado muli itong tumakbo bilang paÂngulo.
Nabatid na ang matagal nang inaasam-asam ng PHALTRA na sariling opisina sa loob ng pitong deÂkada ay naitayo sa ilalim ng pamumuno ni Endriga bilang pagtupad sa kanyang pangako.
Sa gusaling ito ginagawa noon ang iba’t ibang pagsasanay ng lahat ng miÂyembro ng PHALTRA paÂtungkol sa epektibong pagÂÂkolekta ng buwis suÂbalit ginawang bahay na lamang ng Pamilya Quiambao sa loob ng apat na taon na wala man lamang binabayaran sa asosasyon.