MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 37-anyos na Koreano at katiwalang Pinoy nito na sinasabing miyembro ng sindikato ng hacker sa bansa matapos arestuhin ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Mandaluyong City kahapon.
Kinilala ni NCRPO Director Leonardo Espina ang mga suspect na sina Yooun Nayong ng Unit 202 Regina Heights Place #385 M. Vicente, Boni Ave., Mandaluyong City at Carlo Dadulla, 21, katiwala, ng B-63 NIA Road, Brgy, PiñahanÂ, Quezon City.
Samantala, pinaghahanap naman ang apat pang suspect na sinaÂsabing mga Koreano rin.
Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Zaldy Docena ng MaÂlabon City Regional Trial Court Branch 170 kaugnay sa illegal na paggamit ng Globe Telecommunication system.
Nakumpiska sa mga suspect ang 444 piraso ng Globe Telecom sim cards, 100 piraso ng Touch Mobile prepaid sim cards, isang unit ng GSM modem na may 124 sim ports at iba’t ibang uri ng gamit pang-telekomunikasyon.
Ayon kay Espina, sangkot ang mga suspect sa paggamit ng telekomunikasyon ng Globe upang makatawag palabas ng bansa na nagresulta sa pagkalugi ng kompanya ng P3.4 milyon sa loob ng 10-buwan.