MANILA, Philippines - Bilang handog ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri sa mga residente ng lungsod sa pagseselebra ng ika-51 taong pagkakatatag ng siyudad ay maghahandog ang alkalde ng mega job fair na layuning mabigyan ng hanapbuhay ang mga walang trabaho.
Ayon kay Echiverri, sa darating na February 19 (Martes) ay magsasagawa ng mega job fair sa harapan ng city hall main na matatagpuan sa A. Mabini St. na sisimulan dakong alas-8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas-4:00 ng hapon.
Sa February 27 (Miyerkules) ay magkakaroon din ng mega job fair sa city hall annex na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II na sisimulan at matatapos din sa parehas na oras.
Kabilang sa mga bakanteng posisyon na kakaÂila nganin sa mega job fair ay ang accountant; secretary; sales clerk; welder; waiter/waitress; cook; jaÂnitor/jaÂnitress; engineer; encoder; bagger; machine opeÂrator; service crew; kitchen staff; call center agent; graÂphic artist; promodizer; automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.
Hinikayat ni Mayor Echiverri ang mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho na dumalo sa gaganaping mega job fair dahil sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangang magtungo ng mga apliÂkante sa malalayong lugar para lamang makakuha ng kanilang ikabubuhay.