Chinese New Year idineklarang special working holiday ng Senado

MANILA, Philippines - Inaprubahan na kahapon ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayong ideklara ang Chinese New Year na isang special working holiday bilang pagpapakita ng goodwill sa pagitan ng Pilipinas at China.

 Ayon kay Senator Ed­gardo Angara, chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture, nais rin ng kanyang panukala na kilalanin ang malaking kontribusyon ng Chinese-Filipino sa Pilipinas.

 â€œOur relations with China go far back in history before the first Spanish fleet even reached our shores,” sabi ni Angara.

Sa ngayon, ang ethnic o pure Chinese na nasa Pilipinas ay nasa 1.35 milyon samantalang ang mga Pinoy na may Chinese descent ay aabot sa 22.8 milyon.

Binanggit din ni Angara na mas lumalago ang bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at ng China na umabot na sa $32.4 bilyon noong 2011.

 Sa ngayon, nananatili ang China na “third largest export market” ng Pilipinas at  pa­ngatlo rin sa import supplier.

 

Show comments