MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 19-anyos na tinedyer maÂtapos tagain sa leeg ng kanyang pinsang lalaki na sinasabing may diprensya sa pag-iisip sa Quezon City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Allan Bautista ng 15-E, Block A, Sto. Niño St. sa Brgy. San Antonio.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspect na si Adonis Matutina ng Block 66, Lot 42, Yen St. sa Brgy. North Fairview.
Sa ulat ni PO2 Marlon dela Vega, ang suspek ay may regular monthly check-up sa mental health facility.
Ayon sa nanay ng suspek na si Aling Emma, ang kanyang anak ay dating naka-confine sa mental hospital kung saan umiÂinom ito ng maintenance na gamot araw-araw.
Lumilitaw na nagpunta ang biktima sa bahay ng suspect para tumulong sa pag-aayos ng kanilang kusina.
Gayon pa man, hindi nagtagal ay umalis ang biktima, pero agad ding bumalik kung saan naabutan ang suspect na nakaupo sa harap ng pintuan. Dito na sinalubong ng suspek ang kanyang pinsan saka tiÂnaga sa leeg kung saan bagama’t sugatan ay nagawa pang makatakbo papunta sa bahay ng kanyang kaÂpatid na babae pero duguang bumuwal din ito.
Isinugod sa Fairview General Hospital pero idineklarang patay ang biktima.