MANILA, Philippines - Arestado ang isang 20-anyos na lalaki matapos umano nitong ikulong ang kanyang kasintahang modelo sa loob ng tatlong linggo kung saan sapilitan ding pinatikim ng droga upang makipagtalik sa kanya.
Nahaharap ngayon sa kasong serious illegal detention at serious physical injuries in relation to violence si Mark Anthony Soriano bunsod sa kanyang ginawa kay Raquel Valladolid, 22, isang freelance model ng Bgy. Rizal, Makati City.
Ayon kay Valladolid, nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa braso at hita bukod pa sa nagdulot ito ng trauma sa kanya.
Batay sa imbestiÂgasyon ni PO1 Edith Chavez ng Manila Police District Women and ChildrenÂ’s Protection Section, si Valladolid ay inireport ng kanyang ina na tatlong araw nang nawawala matapos itong magpaalam sa kanya na magtatrabaho kasama ang kanyang kasintahang si Soriano. Dalawang buwan nang magkasintahan sina Valladolid at Soriano.
Nabatid na nagawang makakontak si Valladolid sa kanyang ina sa kanyang cell phone kung saan humihingi ito ng tulong at sinabing may nagbabanta sa kanyang buhay. MaÂtapos ito, naÂmatay na ang cell phone ng biktima.
Linggo na nang maÂkaÂusap ni Valladolid ang kanyang pinsan kung saan nabanggit nito na siya ay malapit sa Central Market sa Recto, Manila. Agad namang humingi ng tulong ang ina ng biktima sa MPD General Assignments Section.
Sinalakay naman ng pinagsanib na puwersa ng MPD WCPS at GAS ang bahay ni Soriano sa Quezon Boulevard, Sampaloc, Manila at nailigtas ang biktima.
“She was beaten. She was forced to take drugs and have sex with him.Bangag pa siya. Hindi pa normal kausap,†ani Chavez.