MANILA, Philippines - Labas ang utak ng isang 51-anyos na buko vendor nang barilin at saka itakin ng nakaalitan sa tapat ng kaniyang stall sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Lolito Tarrayo, ng Lakandula St., Tondo.
Pinaghahanap na ang suspect na kinilalang si Jimmy Bombani, alyas “Jumboâ€, 46.
Sa ulat ni PO3 Julieto Malindog, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang madugong insidente sa harapan ng buko stall ng biktima sa Lakandula St., Tondo.
Nabatid na habang nakikipag-usap ang biktima sa isang Virgilio Bermejo nang dumating ang suspect at pinagbabaril ang una, na nakatakbo naman sa kabila na may tama na ng bala sa katawan, subalit hinabol siya ng suspect na nagawa pang mang-agaw ng itak sa isa pang buko vendor na ipinangbiyak sa ulo ng biktima nang abutan ito dahil sa pagkadapa.
Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspect.