Parak sugatan sa bus holdap

MANILA, Philippines - Bigo ang isang pulis na masakote ang tatlong holdaper na nambiktima sa sinasakyan niyang pampasaherong bus nang mabaril siya sa paa ng mga salarin, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital si  SPO1 Alexander Tan, naka­talaga sa Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:30 ng umaga nang holdapin ng tatlong lalaking armado ng mga baril ang isang pampasaherong bus kung saan sakay din si Tan. Matapos na makulimbat ang mga gamit at pera ng ilan sa mga pasahero, nagmamadaling bumaba ang mga ito pagsapit sa kanto ng Leveriza at Buendia.

Tinangka naman ni Tan na sundan ang mga holdaper ngunit natunugan ito ng isa sa mga suspect na nagpaputok sa kanyang direksyon.

Nakatago naman ang pulis sa poste ng footbridge ngunit nahagip pa rin ng bala ang paa nito.

Tuluyan namang naka­puga ang mga suspect.

Show comments