MANILA, Philippines - Dala umano ng labis na depression bunga ng pagkakahiwalay sa kanyang asawa, isang flight steward ang nagbigti sa loob ng stoÂrage room ng kanyang tinutuluyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Si Albert Guidote, 45, ay natagpuan na lamang walang buhay habang nakabitin gamit ang electrical cord sa naturang lugar ni Delfin Tamayo, maintanance officer, ganap na alas-8:30 ng umaga
Ayon kay PO2 Julius Cesar Balbuena, imbestigador sa kaso, kukuha sana ng hagdan na magagamit si Tamayo nang mapuna nito sa storage room ang biktima habang nakabigti.
Matatagpuan ang naturang storage room sa mismong bahay ng biktima sa Vancouver St., FilinÂvests 1, Batasan hills sa lungsod.
Pinaniniwalaang depresÂyon ang sanhi nang pagpakamatay matapos mahiwalay sa asawa at nagpapagamot ito sa isang psychiatrist. Bukod dito, may mga previous attempt na insidente rin anya ito ng tangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagkulong sa isang sasakÂyan para ma-suffocate, suÂba lit napigilan lamang.
Samantala, huling nakitang buhay ang biktima noÂong Martes ng umaga haÂbang nakikipaglaro sa kanyang aso.
Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insiÂdente.