Bangkay ng beybi, lumutang sa creek

MANILA, Philippines - Natagpuan ang bangkay ng isang babaeng sanggol habang nakalutang sa isang creek sa Valenzuela City kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, tinatayang nasa 1 hanggang 3 buwan ang biktima, nakasando ng puti.

Base sa report ng pu­lisya, dakong alas-2:05 ng hapon nang makita ang beybi sa creek ng  F. Bau­tista St., Brgy. Ma­rulas ng nabanggit na lungsod ng isang Rosemarie Ca­meros.

Mabilis nitong ipinagbigay alam sa pulisya kung saan dinala ang labi sa PNP Crime Laboratory.

Samantala, natagpuan ding lumulutang sa isang ilog sa Navotas ang  bangkay ng isang 2-anyos na batang babae  kahapon ng umaga.

Kinilala ng Navotas City Police ang biktimang si Baby Ruth Garcia, ng Lapu-Lapu Avenue ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima sa Navotas River malapit sa bahay ng biktima.

May hinala ang pulisya na posibleng  nahulog sa ilog ang biktima na naging dahilan upang malunod ito.

Inaalam naman ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Show comments