Tambay natagpuang patay

MANILA, Philippines - Naging palaisipan sa mga awtoridad ang pamamaslang sa 37-anyos na tambay matapos makasagutan ang ina nito dahil sa lasing na at sa pangungulit nito sa Binondo, Manila kahapon ng madaling-araw.

Pinaniniwalaang nakulitan din ang pumatay sa biktimang si Eljin Ventanilla Y Limson ng #521 Madrid St., Binondo, matapos matagpuang duguan sa harapan ng kanilang bahay.

Batay sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang makitang nakahandusay si Ventanilla na may tama ng saksak sa kanang dibdib.

Nauna rito, nakipag-inuman ang biktima sa kanilang lugar para sa pagsalubong sa Bagong Taon matapos malasing ay umuwi.

Nabatid na nakipagtalo sa kanyang inang si Veronica Limson ang biktima hanggang sa matagpuan itong patay.

Show comments