Binatilyo, sinapak muna bago binoga

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 18-anyos na binatilyo nang barilin ng isa sa tatlong lalaking kumursunada sa kanya sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Gilbert Precia, ng Area B, Gate 13, Parola Compound, Tondo. Dakong alas-8:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa Area B, Gate 14 sa Tondo.

Sa salaysay ng testigong si Jonjon Mendoza, naglalakad ang biktima nang lapitan umano ng isa sa tatlong lalaki na kinilalang si alyas JR at sinapak sa mukha habang ang dalawa ay nagsilbing look-out. Hindi pa nasiyahan at binaril pa ito ng dalawang beses. 

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang tatlong suspect.

Show comments