Ex-PC itinumba ng 2 armado

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating miyembro ng Philippine Constabulary makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki habang lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Danilo Reyes, 48, meat vendor at residente ng Carmelita St., Patdu Compound, South Greenheights Subdivision, Brgy. Putatan sanhi ng mga tama ng bala  sa likurang bahagi ng katawan.

Batay sa report, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at dumaraan sa Estanislao St. sa Brgy. Putatan dakong alas-5 ng hapon nang harangin ng dalawang suspek at kaagad na pinagbabaril.

Nabatid na marami umanong nagiging kagalit ang biktima bunga ng madalas na paghahamon ng away.

Maaaring isa sa mga nakaaway ng biktima ang nagtanim ng matinding galit dito para pagplanuhan ang pagtambang at pagpaslang sa kanya.

 

Show comments