Kelot nagpanggap na pulis, timbog

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang isang 29-anyos na lalaki makaraang magpakilala itong pulis habang inaaresto ng awtoridad dahil sa  hindi pagsusuot ng helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Bukod sa pagpapakilalang pulis, nakuhanan pa ng dalawang patalim ang suspect na si Benedict Roque,  ng Bagong Silang Caloocan City.

Nag-ugat ang pag-aresto habang nagpapatrulya sa may Bakawan St., Brgy. Veterans Village, Project 7, ang mga pulis ganap na alas-8 ng gabi.

Dito ay naispatan nila ang suspect sakay ng isang Yamaha Vega Disk motorcycle na kulay itim at gray (5678-IK)­ na walang suot na helmet sanhi para parahin nila ito. Nang komprontahin ng awtoridad, nagpakilalang pulis ang suspect pero hiningan nila ito ng identification card at walang maipakita, dahilan para kapkapan nila ito at makuha ang nasabing mga patalim.

Show comments