Binatilyo, patay sa sumemplang na motorsiklo

MANILA, Philippines - Isang binatilyo ang nasawi matapos sumemplang ang dalang motorsiklo nang sumabit sa bangketa sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Rommel Abisan, 16,  ng Arasity,  Barangay Tinejeros ng lungsod na ito.

Base sa ulat ng Malabon  City Police Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling-araw.

Galing sa pakikipag-inuman ang biktima sakay ng Kymco Motorcycle (4608-OE) sa M. H. del Pilar nang sumayad ang gulong sa bangketa na naging dahilan upang mawalan ng kontrol at sumemplang ng ilang metro, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments