Nag-tamang hinala ate patay sa tarak ng utol

MANILA, Philippines - Patay ang isang 53-anyos na labandera nang sak­sakin ng kapatid  at nada­may pa ang kaniyang manu­gang na sugatan din sa San Andres, Maynila, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Efrenita Vistal, residente  ng  BMC Tower 2, Osmeña Highway, San Andres, Maynila, sanhi ng saksak sa katawan habang sugatan naman ang kanyang manugang na si Marifiel Lopeno, 26, waitress, na nagtamo  ng saksak sa braso.

Tumakas naman ang sus­pect na si Jorge “Jek-jek” Vistal, 39, walang trabaho, kapatid ng nasawi.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insi­ dente sa loob ng bahay ng mga biktima.

Nauna rito, nagkuku­ wen­tuhan ang magbiyenan  nang dumating ang lasing na suspect.

Maya-maya ay biglang na­galit ang suspect at naghinala na siya ang pinag-uusapan ng dalawa kaya kumuha ng icepick at walang sabi-sa­bing pinagsa­saksak ang mga ito.

Nasa maayos nang kalagayan si Marifiel subalit napuruhan naman ang biktimang si Efrenita.

Show comments