P.7-M natangay, kolektor todas sa riding in tandem

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.7 milyon ang nata­ngay sa isang kolektor na napatay din ng ri­ding in tandem sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang panghoholdap  dakong alas-4:30 ng hapon sa tapat ng no. 2627 Felix Huertas St., sa Sta. Cruz, malapit sa palengke ng Blumentritt.

Nabatid na nagla­la­kad ang biktima dala ang P.7 milyon koleksiyon mula sa idineli­ber na panindang manok sa mga tindera sa Blumentritt nang lapitan ng mga suspect.

Nang tumanggi uma­no ang biktima na ibigay ang dalang bag na nagla­laman ng pera ay binaril ito ng mga suspect.

Isinugod ang biktima sa Chinese Gene­ral Hospital at dakong alas-9:23 kamakalawa ng gabi ng idineklarang patay habang inooperahan.

Samantala, patay din ang isang 66-anyos na lolo makaraang barilin ng riding in tandem sus­pect sa lungsod Quezon kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Que­zon Memorial Me­dical Center si Benja­min Gabriel, may-asawa ng  no. 27 San Roque St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod habang mabilis namang tumakas ang mga suspect ma­tapos isa­gawa ang krimen.

Sa ulat ni PO2 Rhic Roldan Pittong, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng isang bahay sa no. 22 San Roque St., ng nasabing barangay ganap na alas-6:45 ng gabi.

Ayon kay Eugene Gabriel, pamangkin ng biktima, nasa computer shop siya nang maka­rinig ng putok ng baril sa naturang lugar.

Agad niyang tinignan ang pinagmulan ng putok, kung saan bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng biktima habang naka­han­dusay sa kalye.

Hindi kalayuan dito ay nakita ni Eugene ang isang motorsiklo habang angkas ang isang lalaki na may hawak na kalibre .45 palayo patu­ngo sa Pasig City.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments