MANILA, Philippines - Pinayagan ng Quezon City court na makapagpiyansa ng halagang P300,000 sa kasong serious illegal detention at physical injuries si Reynold Marzan na isinampa ng katulong na si Bonita Baran na sinasabing minaltrato at inabuso ng kanyang mga amo.
Sa 17 pahinang desis yon ni QC RTC branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi pinayagan niyang pansamantalang makalaya mula sa kulungan si Reynold dahil wala naman umano itong direktahang kinalaman sa sinasabing pananakit at pagkulong kay Baran dahil nagaganap ang krimen tuwing ito ay nasa kanyang opisina.
Hindi naman pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang misis nitong si Annaliza Marzan dahil nakakita ang korte ng sapat na ebidensya para madiin ito sa kasong illegal detention at serious physical injury
Sa korte, sinabi din ni Baran na mismong si Annaliza lamang ang umano’y nananakit sa kanya at nagkukulong sa kanya sa storage room.
Nilinaw din sa korte na mananagot lamang si Reynold sa batas dahil sa ginawang pagpapabaya at hindi nito pinigilan ang ginawang pang-aabuso ng kanyang asawa kay Baran.