MANILA, Philippines - Isang thanksgiving party ang inihanda ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga persons with disabilities kung saan libreng nakapasok ang mga ito sa Manila Zoo kahapon.
Ayon kay Lim, ang isinagawang thanksgiving party ay isa lamang sa mga paraan upang ipakita nila ang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga PWDs, partikular na ang mga bata na dumaranas ng iba’t ibang uri ng sakit.
Ang nasabing okasyon ay pinangunahan nina Lim, parks and recreations bureau director Engr. Deng Manimbo at photographer na si John Chua na trainer ng elepanteng si Mali.
Giit ng alkalde, umaabot sa may 200 PWDs ang kasalukuyang empleyado ng city hall.
“We do not discriminate. In fact, we encourage the PWDs in Manila to become productive citizens and excel in their assigned tasks by treating then no differently from those who do not have any disabilities and giving them equal opportunities,” dagdag pa ni Lim.
Sinabi naman ni Manimbo na matapos ang matagumpay na “PWD Thanksgiving Day”, napagpasyahan na nilang gawin ito taun-taon sa Manila Zoo.