Boksingero pinatay sa gulpi

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang kamao ng 27-anyos na boksingero matapos itong pagtulungang gulpihin at saksakin ng apat na di-kilalang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Idineklarang patay sa Jose Rodriguez Hospital ang biktimang si  Michael Corea ng Bulak Street, Amparo Subdivision sa nabanggit na  lungsod. Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-11:30 ng gabi, malapit sa bahay ng biktima. Lumilitaw na naglalakad ang biktima nang harangin at gulpihin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing mga lango sa bawal na droga. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments