Paglilinis ng hangin sa MM, tututukan

MANILA, Philippines - Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA) at non- government organizations sa pananawagan upang magkaroon ng malinis na hangin para sa malusog na pangangatawan sa ilalim ng Car-Free day sa Metro Manila sa  November 25.

Ang buwan ng Nobyembre ang itinalaga ng naturang mga ahensiya  at NGOs bilang National Clean Air Month na layuning maibsan ang polusyon sa hangin sa mga pangunahing  lansangan sa Metro Manila.

Sinabi ni DENR Secretary Ramon J. P. Paje na ang mga sasakyan ang nananatiling major source ng air pollution sa Kalakhang Maynila.

“Rehabilitating our envi­ron­ment is not the monopoly of the DENR alone. The more people get involved, even if it is just as simple as biking to work, or not using our cars for a day, the faster we clean our earth,” dagdag ni  Paje.

Ang car-free day campaign ay nananawagan din sa mga negosyante na maglaan ng ligtas at secured walkways  tulad ng Ayala walkway, Ortigas walkway para sa bicycle lanes at daanan ng mga pedestrian.

Layunin din ng hakbang na mabigyang kaalaman ang mga tao hinggil sa mga poli­siya sa benepisyong nakukuha sa paglalakad,  cycling at iba pang non-motorized transport rides sa Metro Manila.

 

Show comments