UST student hulog mula 4th floor ng iskul, lasog

MANILA, Philippines - Namatay na ang junior biology student ng University of Santo Tomas (UST) na unang napaulat na nahulog  sa ika-4 na palapag ng  main building ng unibersidad  na malapit sa simbahan sa loob ng campus sa España, Sampaloc, Maynila.

Nagkabali-bali ang buto ng biktimang si Jonah Ortiz, 19, nang lumagpak sa sementadong bakuran ng campus. Nabatid na dakong alas-2:00 kamakalawa ng hapon nangyari ang in­sidente. Ganap na alas-7:40 ng gabi ay namatay din ang biktima.

Sa report,  nakarinig ng malakas na kalabog mula sa main building sa kaliwang bahagi ng campus ang ilang guro at mga estudyante. Saka nakita ang nakahandusay na biktima.

Wala agad nakakuha sa nabanggit na insidente dahil sa hindi agad naireport sa  Manila police ngunit  anumang oras ay nabatid na magpapalabas ng pahayag ang pamunuan ng unibersidad.

Show comments