Minaltratong maid,tuluyan nang nabulag

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nabulag ang maid na minaltrato ng kanyang amo.

Ito ang inihayag kahapon ni Dr. Joselito Urgel, medical director ng Catanduanes eye center sa ginanap na hearing kahapon  sa sala ni QC RTC branch 77 Judge Germano Francisco Legaspi batay sa pitong beses na medical exami­nation na ginawa sa mata ni Bonita Baran.

Sinabi ni Legaspi na dahil na rin sa matinding trauma na dulot ng paghampas ng matigas na bagay sa mga mata ni Baran ay tuluyan nang nabulag ang huli.

Sa court record, mula  2007 hanggang 2012 ay nanilbihan bilang katulong si Baran ng mag-asawang Annaliza at Reynold  Marzan.

Si Baran ay dumanas ng pisikal at verbal abuse sa kamay ng mag-asawa na kasalukuyang nakakulong  dahil sa mga kasong 7 counts ng serious physical injuries, 2 counts ng attempted murder at serious illegal detention.

Ngayong Miyerkules ay muling ipagpapatuloy ang pagdinig sa kasong ito.

 

Show comments