Mga opisyal ng MPD sinabon ni Mayor Lim

MANILA, Philippines - Sinabon kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang mga opisyal ng Manila Police District (MPD) dahil sa san­tambak na reklamo ka­ugnay sa mga vendor na sumasakop sa kalsada kung saan nagsisikip ang daloy ng trapiko.

Sa command con­ference kahapon ng umaga­, binalaan ni Lim ang mga opisyal na hindi siya mangingi­ming sibakin kahit linggu-linggo­ o araw-araw.

 “Pagod na ‘ko sa kakaulit-ulit sa pagsasabi sa mga opisyal na ayu­sin at pangalagaan ang kanilang nasasakupan dahil sila naman ang nagpapatupad ng batas at ordinansa,” pahayag ni Mayor Lim.

“I’m already fed up. This is a fair warning. Kahit magpalit tayo ng commander every week o everyday, I will do that. Pagod na ko kakasabi sa inyo. Natutuyo na laway ko sa inyo,” dagdag pa ni Lim.

Hindi umano pu­puwede ang ‘on-off’ basis na ang pagpapatupad ng batas ay maya-maya lang ay hindi na naman tulad ng CM Recto sa Binondo na minsan umano’y malinis o zero vendor at minsan naman ay nagbalikan na naman ang mga vendor sa lugar na ipinagbabawal.

Hindi naman umano niya, tinanggalan ng pang­kabuhayan ang mga vendor dahil maari silang magbenta sa pamama­gitan ng  mobile pushcarts upang hindi naka­istasyon sa isang lugar o pwesto sa bangketa na may sukat lamang na one by one, simula alas-6 ng gabi.

Subalit ang pinapayagang sukat ng stalls ay nakikitang mas malalaki, may bubong, may kurtina at nasasakop na ang kalsada kahit hindi pa oras ng pagtitinda, na ginagawa pang mistulang bahay.

 

Show comments