MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang mga buto ng tao ang nahukay sa construction site malapit sa Dormitory 13 ng Manila City jail compound sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang madiskubre sa paghuhukay ang apat na piraso ng buto ng tao na posibleng ibinaon ng matagal nang panahon.
Nakatakda itong isailalim sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory upang matiyak kung buto ng tao ang natagpuan.
Base sa pagtaya ng doktor sa Infirmary ng MCJ, buto ng tao ang narekober.
Nabatid na ang mga trabahador ng International Committee on Red Cross (ICRC) ang naghuhukay na ipinabatid lamang kay Jail Warden Supt Luisito Muñoz. Ang Dormitory 13 ay ekslusibo sa mga presong miyembro ng Sigue-sigue Commando.
Nabatid na naghuhukay ng septic tank ang mga trabahador ng ICRC para may magamit ang mga bilanggo sa loob.