Setyembre 15, 2015

Pagtitibay:  Ipagpasalamat ang walang tigil na puna at pula, dahil kinukumpirma nito ang iyong  tagumpay.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Upang ma­iwasang magkaroon ng probelma sa pera at gastusin, ayusin ang accounting at pagba-budget. Magtipid at mag-impok. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 21, 33 at ruby red.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasang magsugal dahil tiyak talo ka hindi lamang sa pera kundi maging sa panahon at pagkakataon. Ibuhos ang atensyon sa kasalukuyang ginagawa dahil magbibigay ito ng malaking pakinabang. Iwasan ang makipag-inuman sa mga barkada dahil pagmumulan ito ng gulo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 31, 44 at maroon.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Dahil sa tagumpay sa buhay, kakainggitan ka ng iyong mga kakilala o mga taong malapit sa iyo. Mag-ingat dahil ang iyong negosyo o pinagkakakitaan ay gagayahin ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 29, 38 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan o mag-asawa, ngayon magkakaliwanagan at magkakaroon ng magandang solusyon. Matutuloy ang binabalak at magkakaroon ng positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ay 18, 34, 37, 42 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – May susukat kung hanggang saan ang iyong pasensya sa tahanan o pinapasukan. Kung ipaglalaban ang prinsipyo, tiyak hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Ang magandang gawin ay maging mahinahon at magpasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 29, 37 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung talagang labag sa loob, huwag magkunwari, magpakatotoo. Maging totoo sa sarili at sa kapwa. Hindi masama ang pagsasabi ng totoo, kaysa magkunwari at maging plastic. Hindi lamang ang iba ang niloloko kapag nagsisinungaling, kundi ma­ging ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 26, 28 at ivory cream.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Habaan ang pasensiya. Huwag pairalin ang init ng ulo. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Pag-aralan muna ang mga bagay-bagay bago ku­milos. Tiyakin ang sarili kung tama o mali ang gagawing hakbang upang hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sa simula lamang ang saya at kalbaryo sa huli ang mangyayari sa bawal na relasyon kaya dapat lamang iwasan ito. Magdalawang isip ka sa iyong gagawin dahil kapag nagkamali, mabigat na kapalit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 29, 36, 37 at lemon green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Kailangan ang matibay na paninindigan at lakas ng loob sa iyong napasukan upang magtagumpay. Kung tatalikod sa iyong napasukan talo ka ng pera at panahon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 14, 35 at gray.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Hayaan munang humupa ang galit bago kausapin o harapin ang tao. Kung galit si mister o si misis, tumahimik at huwag magkomento upang maiwasan ang lalong paglaki ng gulo. Kung galit ang boss at may kailangan ka sa kanya, ipagpaliban ang pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 22, 39 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang lalapit sa iyo ay may kailangang pinansiyal o payo. Kung kayang paunlakan ang pinan­siyal gawin, kung hindi sabihin sa magandang pa­raan. Kung payo ang kailangan, ibigay ang inaakalang maganda at dapat. Magagamit mo ang iyong ESP dahil malakas ito ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 22, 31, 34 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung pata­tangay ka sa mga alok ng kaibigan, masisira ang iyong kinabukasan. Alalahanin na walang iba gumagawa ng iyong kinabukasan kundi ang iyong sarili. Kung mag-aaral harapin ng buong puso at tatag dahil dito nakasalalay ang magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 26, 41 at orange.

Show comments