Dear Dr. Love,
Sabay kaming gumradweyt sa high school ng syota kong si Bea.
Sa buong panahong magkaklase kami ay mag-on na kami. Marami kaming magagandang pangarap noon.
Magsasaka lang sa niyugan ang father ko kaya tumulong na lang ako sa kanya. Ang syota ko na si Mildred ay lumuwas ng Manila at pinag-aral ng mayaman niyang tiyo.
Nag-uusap naman kami sa Facebook messenger pero sa loob-loob ko ay parang hindi na kami bagay kapag nagtapos siya ng accounting at maging CPA.
At nagtapos nga siya na suma cum laude at siya’y ganap nang certified public accountant.
Parang nahihiya na akong humarap sa kanya kahit sinasabi niyang mahal pa niya ako.
Dapat pa ba kaming magkatuluyan?
Mau
Dear Mau,
Basta’t nagmamahalan kayo, gaano man kataas ang kalagayan niya at kababa ang iyong situwasyon, wala kang dapat ikahiya kung magiging mag-asawa kayo.
Ang importante ay marunong kang maghanapbuhay ng marangal kahit isa ka lang magtatanim ng niyog.
Kaya kung mahal ka niya at mahal mo pa siya, ipagpatuloy ninyo ang inyong pagmamahalan.
Dr. Love