Bastardo

Dear Dr. Love,

Tawagin mo akong Romualdo, 24 anyos. May matatag naman akong trabaho pero tutol sa akin ang mga magulang ng girlfriend ko.

Ang dahilan, anak ako out of wedlock ng aking ina na dating bar girl.

Bastardo raw ako, sabi ng mga parents ng girlfriend ko. Pero proud ako sa aking ina dahil itinaguyod niya ako hanggang makatapos ng kurso. Sabi ng girlfriend ko na 25 anyos na, hindi raw siya susunod sa magulang niya kahit sila ay tutol.

Balak na nga naming magpakasal. Nagwo-worry lang ako na baka kapag nagpakasal na kami ay hindi ko makasundo ang aking mga biyebiyenanin.

Pagpayuhan mo ako.

Romualdo

Dear Romualdo,

Mas mahalaga na kayong mag-asawa ang nagkakasundo. Kahit ayaw nila sa iyo, hindi naman kayo pipisan sa kanila kaya okay lang.

Tiyakin mong mabigyan ng maginhawang buhay ang magiging asawa mo. Kapag nakita ng mga magulang niya na uliran ka, magbabago ang pagtingin nila sa iyo.

Hanggang mahal ka ng girlfriend mo, walang problema. Kaya manatili kang tapat sa iyong pagmamahal at pag-iingat sa kanya.

Malaking tulon ang taimtim na panalangin sa lahat ng mga plano ninyo ng iyong girlfriend.

Isama mo na rin na nawa’y palambutin ng Maykapal ang puso ng iyong magiging biyenan para matanggap na ang relasyon ninyo.

Dr. Love

Show comments