Dear Dr. Love
Tawagin mo na lang akong Christian Girl, 22 anyos. Lumiham ako sa iyo dahil sa malaki kong problema.
Marami akong manliligaw pero isa lang ang sinagot ko dahil may feelings ako sa kanya. Hindi ko alam na iba ang doctrine ng kanyang religion. Hindi ko na sasabihin kung ano ang religion niya. Christian din daw siya pero malaki ang pagkakaiba sa pinaniniwalaan ko.
Maraming bawal kainin at iba ang pagka-kilala kay Jesus. Marahil may kasalanan din ako dahil hindi ko muna siya inusisa sa kanyang kinaaanibang religion.
Ngayon ay nagdadalawang-isip ako kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon sa kanya. Please help me with your wise advice.
Christian Girl
Dear Christian Girl,
Kung gusto mo siyang makatuluyan dahil true love mo siya, desisyon mo iyan. Pero kung prayoridad mo ang iyong pananampalataya, dapat ay makipagkalas ka sa kanya.
Sabi nga ng Bi-bliya, huwag tayong makipamatok sa iba ang pananampalataya.
Alalahanin mo na lalaki siya at siya ang masusunod kung saan mag-aaral at magsisimba ang inyong magiging anak.
Kung naniniwala ka sa itinuturo sa iyong relihiyon, tiyak hindi mo hahayaang lumihis ang pana-nampalataya ng iyong magiging mga anak.
God is always the priority of a true Christian. Kaya ang payo ko ay pakasuriin mo ang iyong desisyon.
Dr. Love