Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang po ninyo akong Reginald. Pilit na nagpapaalam sa akin ang gf ko na bumili kami ng motor. Sabi ko sa kanya, huwag na. Ang dahilan, baka maaksidente siya. Nagmomotor din kasi ako.
Ayaw niyang papigil kahit sinabihan ko na. Tumitingin pa rin siya online at ipino-forward niya sa akin sa messenger.
Para mag-meet kami half way, sabi ko sa kanya na ebike na lang ang bilhin namin. ‘Yun ang ang ginawa ko. Alam kong sumama ang loob niya sa akin.
Pero mas mahalaga ang safety niya. Ang iniisip niya naman, nagtitipid lang ako dahil mas mura ang ebike. Ayoko ng makipagtalo sa kanya, kaya sinabi ko na lang na ibenta niya ang ebike kung ayaw na niya talaga.
Nag-sorry na nga ako sa kanya. Dahil ayaw ko na mag-motor siya, alam kong delikado ‘yun.
Parang nagi-guilty tuloy ako na hindi ko siya napagbigyan.
Reginald
Dear Reginald,
Una, gusto kong payuhan ang gf mo. Huwag matigas ang ulo. Totoong delikado ang magmotor.
Mas safe ang ebike pero hindi ka pa rin nakasisiguro sa mga pa-saway na driver at mga hazards sa kalye. Mas mainam pag-ipunan ay kotse.
Bagamat mas mahal pero mas safe kayo kahit umuulan.
Tama lang na paalalahanan mo ang gf mo para sa safety niya. Huwag kang ma-guilty sa naging desisyon mo. Basta huwag ka lang makakalimot na paalalahanan siya lagi. Mas minam iyon kahit na makulitan siya sa iyo.
Hindi natin alam kung kailan darating ang aksidente kaya hangga’t ay maging maagap at matalino sa pagdedesisyon para maiwasan natin ito.
Mayroon nga nakaparada lang ang motor ay nahagip ng truck, namatay. Always stay safe. Huwag na huwag kang manghihinayang sa mga bagay na alam mong tama.
DR. LOVE