Pati sa puso napalapit sa pagpapa-print

Dear Dr. Love,

Ako po si Jenarose. Hindi ko inaakala na mayroon pa pala akong ma mi-meet na napaka-gentleman. Na-meet ko siya dahil doon ako sa kanila nagpapa-print ng mga files na kailangan ko sa pag-a-apply ng trabaho.

Hindi naman talaga printing hub ‘yung bahay nila. May printer lang sila kaya tumatanggap sila ng magpapa-print. Gusto ko magpa-print sa kanila dahil sobrang mura.

Minsan wala ‘yung matanda, kaya ‘yung anak na lalaki ang nag-asikaso sa akin. Marami pa naman akong pina-print. May mga request pa akong babaguhin, medyo nakakahiya tuloy. Pero ang bait niya, kaya tuloy parang nahulog ang loob ko.
    Single mom dahil nilayasan ako ng tatay na anak ko.  Sa simpleng pagpapa-print ko ay parang nabibihag ako nitong kapitbahay namin. Ayokong umasa pero ngayon, tsina-chat na niya ako, halos araw- araw. Pero may pangamba ako na baka iwanan lang din niya ako. Kaya medyo hesitant akong maging aggressive sa frienship namin.

Sa ngayon hindi pa naman siya nagsasabi na manliligaw siya pero nag-aaya na siyang mamasyal.

Jenarose

Dear Jenarose,

Huwag ka namang masyadong kabahan sa bago mong kaibigan. Sabi mo hindi pa naman nanliligaw. Kung hindi naman na binabalikan ng tatay ang anak mo, eh enjoy mo lang ang friendship ninyo. Pero kung kasal kayo, ibang usapan na ‘yon.

‘Yung lang kung matatanggap ka niya kahit may anak ka na.  Piliin mo rin kung ano ang makabubuti at makapagpapasaya sa ‘yo.

Hindi naman masama na hangaan mo ang pagiging gentleman niya sa iyo. Enjoy life with your child.

Dr. Love

Show comments