‘Di na ba mahal?

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Atoy, 30 anyos at sampung taon nang kasal sa aking asawa na si Chona. Nakakahiya mang sabihin, very hot pa ako sa sex. Ang problema, nanlalamig na sa akin si misis. Sa kabila nito, mahal ko si Chona at ayaw kong humanap ng init sa ibang kandungan.

Sabagay, nauunawaan ko siya. Talagang subsob siya sa gawaing bahay habang nagtatrabaho ako sa opisina. Nasa period pa kami ng pag-iipon kaya ayaw pa namin kumuha ng katulong. Kaya naman daw niya ang gawain.

Pero at least, sana maghanda siya ng qua-lity time para sa aming intimate moment. Naiisip ko tuloy na baka hindi na niya ako mahal. Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Atoy

Dear Atoy,

Gusto mong ma-sa-tisfy ang sexual needs mo pero hindi mo naiisip ang kalagayan ng misis mo na super-uliran. You can’t have best of both worlds, Atoy. Kung gusto mo ng good sex, get your wife a house keeper. Ano inaasahan mo sa isang asawa na ang lahat ay ginagawa niya sa bahay tapos demanding pa si mister sa sex? Pero kung priority ninyo ay makapag-impok, tiis-tiis muna si Manoy.

Dr. Love

Show comments