Lesbian kaya ako?

Dear Dr. Love,

Isang masayang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo. Kabilang ako sa mga avid readers ng PSN at hindi buo ang araw ko kapag hindi ko natunghayan ang iyong love-advice column.

Tawagin mo na lang akong Jennifer, 20 anyos at bagong kasal sa mister kong si Derek. Five months pa lang kaming nagsasama ni Derek but to tell you the truth, hindi ako sure kung mahal ko siya. Wala akong pleasure na nadarama kung kami ay nagse-sex.

Umuupa kami ng isang condo unit ni Derek. Dumating ang kanyang nakababatang kapatid na si Ningning mula sa America. Single si Ningning at nagtatrabaho sa abroad bilang nurse.

Naging close kami ni Ningning  at nakadarama ako ng sexual attraction sa kanya.  Hindi niya sinasabi pero ramdam kong ganun din ang nararamdaman niya. Kaya at this point, nagkakaroon ako ng confusion.

Simula nang magdalaga ako, hindi pa ako naa-attract sa kapwa ko babae. Basta  wala lang akong nararamdamang attraction sa boys. Kaya ko lang pinakasalan si Derek ay pangarap kong magkaroon ng anak at pamilya.

Alam kong mali ang nararamdaman ko pero paano ko mapipigilan ang damdamin ko? Sana ay mapagpayuhan mo ako.

Jennifer

Dear Jennifer,

Morally speaking, isang kasalanan kung papatol ka sa kapwa mo babae at lalo pang mali ito dahil kapatid siya ng iyong asawa.  Nasa sariling disiplina mo na kung paano mo masusupil ang iyong damdamin.

Pero kung naniniwala ka sa Salita ng Diyos, magbasa ka ng Biblia at pagbulayan ang Kanyang Salita kalakip ang panalanging gabayan ka ng Espiritu Santo.

Hinggil naman sa sinabi mong wala kang madamang pleasure sa pagtatalik ninyong mag-asawa, mabuti kung kumunsulta ka sa clinical psychologist or psychiatrist na siyang makakatulong upang malutas ang iyong suliranin.

Dr. Love

Show comments