Dear Dr. Love,
Itago mo na lang ako sa pangalang Peter, 28 anyos, binata at isang chemical engineer.
Nagbakasyon ako sa aming probinsya at may nakursunadahan akong chicks. Town fiesta noon at bilang katuwaan, naglaro kami ng pinsan ko ng bingo.
Nagkataon na ang emcee sa bingo ay isang beautiful girl na sa unang pagkakita ko ay tumibok agad ang puso ko. Sa tulong ng pinsan ko, nakipagkilala ako sa chicks. Loida ang name niya.
Hindi lang panlabas ang kanyang ganda, kundi pati ang kanyang ugali. Nalaman ko ito habang nagtatagal ang aming friendship. Mahirap lang ang pamilya ni Loida kaya hanggang first year college lang ang natapos niya.
Pabalikbalik ako sa Tarlac sa panliligaw sa kanya at ‘di nagtagal ay naging kami.
Sabi naman ng parents ko kung talagang si Loida ang gusto ko ay wala silang magagawa pero para sa kanila, ayaw nilang magkatuluyan kami.
Puwede kong sundin ang aking puso pero pinagkakautangan ko ng malaki ang aking mga magulang. Ano ang gagawin ko?
Peter
Dear Peter,
Sa edad mo, malaya kang magdesisyon para sa iyong sarili. Kung ano ang inaakala mong mabuti at magpapaligaya sa iyo, ‘yun ang sundin mo. Ang tungkulin lang ng magulang, bukod sa pagpapaaral at pagtataguyod sa anak ay magbigay ng gabay at payo pero ang pinal na desisyon ay nasa anak lalo pa kung ito ay nasa wastong gulang na.
Dr. Love