Dear Dr. Love,
Isang trahedya para sa akin ang biglaang pagkamatay ng aking mister. Namatay siya dahil sa stroke sa edad na 54.
Apat ang iniwan niyang anak. Nakatapos ako ng business administration pero housewife lang ang papel na ginampanan ko. Tawagin mo na lang akong Perla, 47 anyos. Gusto kong magtrabaho noon pero ayaw ng asawa ko. Malakas naman daw siya kumita. Ngayong wala na siya, umaasa na lang ako sa iniwan niyang savings na apat na milyong piso, na ngayon ay mahigit isang milyon na lang dahil doon lang ako kumukuha ng aming panggastos.
Hindi ko alam ang gagawin kung maubos na ang savings. Kung magtatrabaho ako, sino ang manga-ngalaga sa mga anak ko?
Perla
Dear Perla,
Napakaraming trabaho ngayon ang puwedeng pasukan na hindi mo kailangang umalis ng bahay. Magtiyaga ka lang maghanap sa internet, tiyak makakatagpo ka.
Nasa diskarte lang iyan. Sa halagang natitira sa savings ninyo, puwede kang magsimula ng kahit munting tindahan sa harap ng bahay mo.
Kung tutuusin, ang iba na hindi mataas ang pinag-aralan ay naka-survive dahil marunong dumiskarte. Alam ko na kung kikilos ka, malulutas mo ang sarili mong problema.
Dr. Love