Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Orly, 21 anyos. Isang kahiyahiyang karanasan ang sinapit ko nang nagkagusto ako sa isang bading na akala ko ay babae. Talagang sa hitsura at pigura ng katawan, pati na sa boses ay hindi mo sasabihing siya ay lalaki.
Naimbitahan ako ng isang kaibigan sa isang party at doon ay nabighani ako guest singer na magaling kumanta, aakalain mong si Regine Velasquez may hawak ng mikropono.
Karamihan sa aming magkakaibigan na nasa party ay hindi naghinala sa kanyang kasarian. Nang ipakilala siya sa akin ng kaibigan ko, sinamantala ko ang pagkakataon. Sa tingin ko, siya na ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.
Nag-date kami sa isang restaurant. Naka-maong jeans siya na punit-punit at t-shirt na hapit na hapit sa kanyang katawan. Lalo akong naatrak sa kanya. Sa restaurant pa lang ay naging kami na.
Kaso, nang yayain ko siyang mag-motel ay todo ang kanyang pagtanggi. Habang pinipilit ko siya hanggang magtapat sa akin.
Tinanong niya ako kung papatol ba ako sa isang bading. Natigilan ako, marahang tumayo at nag-sorry sa kanya. Bilang gentleman, niyaya ko na siyang umuwi at inihatid ko siya sa kaniyang tinitirhang condo sa Cubao.
Nakokonsensya ako ngayon dahil baka nasaktan ko ang kalooban niya. Tama ba ang ginawa ko?
Orly
Dear Orly,
Walang mali sa ginawa mo dahil nagpakatotoo ka lang. May mga lalaking pumapatol sa bakla pero ano ang magagawa niya kung kabilang ka sa mga hindi pumapatol sa mga kagaya niya? Delikado ang ganyang pagpapanggap. Baka matulad siya sa isang GRO na transwoman sa Olongapo na pinatay ng US Serviceman nang matuklasang hindi pala totoong babae ito.
Dapat nga siya pa ang mag-sorry sa iyo dahil may panlilinlang ang ginawa niyang pagprisinta ng sarili sa marami bilang isang babae at hindi bakla.
Bilang panghuli, gusto ko lang linawin na hindi ako pabor sa tinatawag na casual sex dahil ang pagtatalik ay nararapat lang sa mga mag-asawang ikinasal.
Dr. Love