Pabalikbalik na panaginip

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang po akong Mau, 18 anyos at binata. Wala pa akong naging girlfriend dahil torpe ako sa panliligaw. Marahil, bunga ito ng kawalan ko ng self-confidence dahil patpatin ako at nakasalamin dahil malabo ang aking mga mata.

Ang isang consolation ko na lang ay ang pagi-ging matalino ko at top sa aming klase. Mayroon akong crush na kapitbahay namin pero siya ay may asawa na. Sa tuwing makikita ko siya ay pinapasok ng kamunduhan ang aking isip. Maganda siya at sexy kahit may tatlo nang anak. Iwinawaksi ko na lamang ang bad thoughts sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat sa physics na paborito kong aralin.

Sa kabila nito, hindi ko siya pinagpapantasyahan. Ayaw na ayaw ko ang “nagsasariling-sikap” dahil ito’y insulto sa pagkalalaki ng isang tao. Nakakaraos lang ako sa aking mga wet dreams na palaging nangyayari sa aking pagtulog. Nana-naginip ako na nakikipagtalik.

Pero nitong mga nakalipas na araw ay ang babaeng crush ko ang lagi kong katalik sa aking mga panaginip. Minsan, isang linggong araw-araw ay siya ang kaniig ko.

Nagkakasala ba ako?

Mau

Dear Mau,

Sabi ng Salita ng Diyos, hindi kasalanan ang tuksuhin. Ngunit nagiging kasalanan lang ito kung ikaw ay nahulog na sa tukso. Ang Panginoong Jesus mismo ay tinukso ng diyablo nang ilang ulit pero hindi siya nagkasala ni minsan.

Sa kaso mo, ni sa imahinasyon mo ay hindi ka nagpatihulog sa tuksong sumasagi sa iyong isip, kundi nangyayari lamang ito sa iyong panaginip na saklaw ng iyong sub-conscious. Hindi mo kontrolado kung anong mga bagay ang mapa-panaginipan mo kaya hindi ka nagkakasala.

Bago ka matulog, manalangin ka ng taimtim at itaas mo sa Diyos ang lahat ng lihim mong masamang pagnanasa. Hayaan mong lukuban ka ng Holy Spirit at bantayan kahit sa mga sandali ng iyong pagtulog upang mapawi ang mga pina-panaginipan mo lagi.

Lagi ka ring magbasa at magbulay sa Salita ng Diyos na siyang magbibigay sa iyo ng lakas laban sa lahat ng uri ng tukso.

Dr. Love

Show comments