Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Lola Cenyang. Gusto ko lang i-share ang aming ginagawa ng mister ko as senior citizen. Bago magkaroon ng pandemic nakakapasyal pa kami sa mall. Syempre every Monday nanonood kami ng sine. Para kaming mga teenager na namamasyal sa mall.
Kakain sa fastfood kaso limitado lang ang pwede. Madalas mami at mga veggie na ang pagkain namin.
Hindi pa rin nagbabago ang aming lambi-ngan. I never regret na napangasawa ko ang mister ko. Kung ang ibang mga misis, dumaan sa maraming pagsubok dahil sa mister nila, ako never. He always make me happy.
May motto kasi siya, a happy wife makes a happy life. Ang sarap isipin after 45 years ng aming kasal, wala kaming naging malaking problema.
Napalaki at nairaos namin ang pagpapaaral sa aming mga anak ng maayos. Ngayon ang da-lawa naming anak ay may sari-sarili ng pamilya.
Payak ang aming buhay pero masaya. Nga-yong pandemic hindi na kami nakakakain sa mall at nakakapanood ng sine. Sana matuloy muli namin ang aming date.
Kaya netflix na lang muna. Tinuturuan ako ng aking apo kapag dumadalaw sila rito. Sila ang guide namin sa gadgets.
Exercise kahit maikli lang dahil hinihingal na kami. Zumba in the morning. Happy naman kami, still we are safe and healthy. Sana nga matapos na ang pandemic para makagala uli kami ng mister ko.
Lola Cenyang
Dear Lola Cenyang,
Maraming salamat po sa inyong ibinahagi. Tiyak na maraming senior citizen ang matutuwa kapag nabasa itong istorya ninyo. Mahilig pala kayong manood ng sine.
Sana nga matapos na ang pandemic para matuloy ninyo ang inyong date. Tuloy lang ang buhay. Nakakataba ng puso kapag may seniors akong nakakausap at tulad ninyo ay naging masaya ang kanilang nakaraan. Lumilipas ang araw pero hindi lilipas ang mga alaala nang nagdaan.
Keep safe and healthy po. Huwag masyadong magbabad sa zumba. Kahit konting exercise, ok na. Masama rin ang sobra. I’m very happy sa inyong dalawa. Kayo ay inspirasyon sa maraming mag-asawa, lalo na ‘yyung nagsisimula pa lang ng kanilang journey as couple.
DR. LOVE
.