Dear Dr. Love,
Isang mainit na pagbati. Sana’y itago mo na lang ako sa pseudonym na Herbert.
Ako po ay 23-anyos na pero binata pa, at lubhang kahiya-hiya ang problema ko. Dahil nagkakaroon ako ng matinding desire na makipagtalik sa tuwing nakakakita ako ng maganda at seksing babae. Salamat na lang at nangingibabaw ang aking sense of decency at napipigil ko ang anumang simbuyong nararamdaman ko.
Mayroon naman akong girlfriend na maganda pero hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng makita kong babae ay naroon ang matinding pagnanasa. Naiisip ko na baka ito’y isang psychological abnormality na kinatatakutan kong mangyari sa akin.
Abnormal ba ang ganitong damdamin, Dr. Love?
Herbert
Dear Herbert,
Sa tingin ko naman, normal sa lalaki o kahit babae na humanga sa ibang tao lalo na kung physically attractive.
Sa lalaki, karaniwan na ‘yung may kaunting “pagnanasa” lalo pa’t sexy ang bihis ng babae. Ganyan kasi ang naturalesa ng lalaki.
Huwag kang mag-alala. Tingin ko’y masyado ka lang disente kaya ang hindi pangkaraniwang nararamdaman mo ay ikinababahala mo. Nagiging masama lang iyan kapag nauwi sa pangre-rape o kaya’y paggawa ng kalaswaan sa harap ng tao.
Huwag lang itong maging dahilan ng pambabastos mo sa babaeng attracted ka ay walang problema iyan.
Dr. Love