Dear Dr Love,
Kumusta po Dr. Love. I am one of your legions of readers. Tawagin mo na lang akong PetPer 30 anyos.
Nagluluksa ako ngayon sa pagkamatay ng aking live-in partner for five years. Namatay siya sa isang aksidente nang ang tricycle na sinasakyan niya ay nabangga ng isang kotseng nawalan ng preno. Mag-lilimang buwan na siyang wala. Mahal na mahal ko siya. Pati ang unang baby na nasa sinapupunan niya ay nawala dahil sa pangyayari.
Matagal kaming umasam na magka-anak at ngayon may nabuo sa kanyang sinapupunan ay saka pa siya nawala sa akin. Minsan, sinisisi ko ang Diyos sa masakit na pangyayaring ito
Ano ang gagawin ko para mapawi ang matinding pagdadalamhating ito? Gusto ko muling mabuhay ng normal pero parang mailap sa akingito. Tulungan mo ako.
Peter
Dear Peter,
Hindi lang ikaw ang nakaranas nang ganyan. Pero hindi komo pinagmalupitan ka ng tadhana ay titigil na ang pag-ikot ng buhay. Life goes on Peter and life is beautiful.
Huwag mong isisi sa Dios ang pangyayaring iyan. Ilagay mo sa iyong likuran ang iyong nakaraan at mabuhay kang muli. Walang sugat na di pinaghihilom ng panahon basta’t handa ang iyong puso na mag-move on.
Sa susunod, huwag ka nang makipag-live in. Kung gusto mong magkaroon ng partner ay pakasalan mo. That is the right thing to do na kalulugdan ng Diyos.
Dr. Love