Pakakasalan pa kaya?

Dear Dr. Love,

May limang taon na po kaming mag-boyfriend ni Carlos. Balo po ako samantalang siya ay hiwalay sa asawa at dalawang anak na pawang tapos na ng kolehiyo at may sarili nang pinagkakakitaan.

Ako naman po, tatlo ang anak na pawang mga teenagers na.

Hindi kami magkasama sa iisang bubong, pero malaya akong nakakapasok sa kanyang condo. Wala akong problema sa mga anak niya at ganon din naman siya sa aking mga anak.

Very generous naman siya sa pagtrato sa mga bata. Pero hindi po ako kuntento sa arrangement naming ito. Gusto ko ng seguridad para hindi naman ako magmukhang kerida niya lang.

Dati na niyang sinabi sa akin na magpapa­kasal kami sa abroad kung magkakaproblema ang kasal namin dito. Payuhan mo po ako. Gusto ko nang humanap ng iba na puwede akong ga­wing reyna ng kanyang tahanan at ina ng aming magiging anak. Bata pa ako at wala pang 40 samantalang si Carlos ay senior citizen na.

Gumagalang,

Mia

Dear Mia,

Bago ka gumawa ng desisyon, mag-usap muna kayo ni Carlos. Paano mo malalaman ang saloobin niya para sa inyong relasyon kung hindi ninyo ito pag-uusapan?

Pareho na kayong nasa edad at natitiyak ko na mauunawaan ninyo agad ang panig ng bawat isa, kung ano man ang mapagkasunduan ninyo. Sikapin mo na makakuha ng magandang timing para magkausap kayo ng sarilinan, ‘yung personal para mas makapa mo sa sarili mo ang sinseridad sa kanya.

Mula sa magiging resulta ng pag-uusap ninyong ito ay saka ka gumawa ng susunod mong hakbang. Para wala kang pagsisihan sa huli.

DR. LOVE   

 

Show comments