Namihasang umaasa

Dear Dr. Love,

Mahigit otsenta anyos na po ang tatay ko, kaya naman kahit na okupado ako sa aking trabaho ay talagang sinasamahan ko na siya kapag uuwi siya ng Pilipinas.

Sa US na po kami nakatira, umuuwi ang tatay ko para makapiling ang kinakaawaan niyang kapatid, si Tiya Sofia. Alam ko po na regular na nagpapadala si tatay sa kanyang kapatid dahil wala raw itong swerte sa kanyang apat na anak dahil pawang nakadepende sa kanya.

Malimit din binabanggit ni Tiya Sofia sa kanyang sulat ang pagdadamot daw ni Tiya Sol, ang biyuda ng isa pang kapatid ni tatay na si Uncle Ped.

Pero Dr. Love nang magbalik-bayan kami ay noon ko naoobserbahan kung bakit laging kinakapos si Tiya Sofia. Dahil hinahayaan lang niya na maging tamad ang kanyang apat na lalaking anak.

Naobserbahan ko rin na hindi mali ang pamamalakad ni Tita Sol dahil tagalang naka-budget ang mga gastusin nilang mag-iina para sa kinsenas at katapusan.

Nalaman ko rin na noong nabubuhay pa si Uncle Ped ay naipasok niya sa kanyang pinagtatrabahuhan ang dalawang anak ni Tiya Sofia. Pero sinayang lang ng mga ito dahil hindi pinapasukan, napasama pa si Uncle Ped sa kanyang mga katrabaho.

Minsan pa ay lumapit kay tatay ang isa sa mga anak ni Tita Sofia at nangungutang ng pera. Kin­­wentuhan ko po siya kung gaano ang pagkayod namin sa Amerika para hindi umasa sa magulang, na ako ay nagkakahera sa restaurant, sideline sa beauty parlor bilang manikurista at off track betting sa horse race. Dahil hindi kako pinupulot ang pera sa Amerika. Mukhang tinamaan po kaya hindi na humirit pa.

Sana po mabasa ito ni Tiya Sofia para marendahan niya ng tama ang kanyang mga anak. Nasa US na po kami ngayon. Maraming salamat po at God bless you, Dr. Love.

Gumagalang,

Myrna 

Dear Myrna,

Maganda ang intensiyon mo para sa iyong mga pinsan, sana nga ay ma-realize na nila na tumayo sa sarili nilang paa para masuportahan naman ang nagkakaedad nilang ina.

DR. LOVE                                    

 

Show comments