Dear Dr. Love,
Nung bata pa po ako, nagkakagusto po ako sa girls. Dahil nga po bata pa ako, hindi ko po maiintindihan kung bakit ganun.
Pero po nung nagdadalaga na ‘ko, paminsan-minsan na lang akong nagkaka-crush sa girls.
Nang makarating ako sa high school, marami akong naging boyfriend, naging playgirl po ako.
Then na-meet ko po ‘yung boyfriend ko, now 5 years and 1 month na po kami. Nung nag-college po ako, na-meet ko po ‘yung kinuwento ko po sa inyong professor ko na lesbian.
Bakit po kaya nagkakagusto ako sa kapwa ko babae? May possibility po ba na tibo rin ako? Noon palang tinatanong ko na po sa sarili ko at hindi ko po masagot.
Kahit po mga friends ko wala po akong pinagsabihan kasi natatakot po akong husgahan nila.
Dr. Love, sana po matulungan ninyo ako. Natatakot po ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Mixed Emotions
Dear Mixed Emotions,
May mga kasong nawawala ang ganyang pakiramdam sa katagalan. Pero kung nananatili ang ganyang pakiramdam ay kailangan mo na talaga ng counseling.
Isipin mo na lang ‘yung mga nauna kong sinabi noon. Ginawa ng Diyos ang babae at lalaki para sa isa’t isa dahil may layunin Siya. Ito ay ang pagbuo ng pamilya na taglay ang dugo ng bawat isa.
Sasabihin siguro ng mag-partner na same sex na puwedeng umampon. Pero hindi iyan ang design ng Diyos.
May biological component ang lalaki at babae na kapag pinagsama ay nakabubuo ng bagong buhay. Iyan ang isang misyon ng babae at lalaki sa mundo, ang magmahalan at magkaanak.
May boyfriend ka wika mo at five years na kayo? Mahalin mo siya hanggang ikasal kayo sa tamang panahon at bumuo kayo ng pamilya bilang pagsunod sa tagubilin ng Diyos.
Dr. Love