Lasenggong mister

Dear Dr. Love,

Bumabati po ako sa inyo, Dr. Love. Sana’y matulungan ninyo ako sa problema ko. Ako po si Edna, 26 anyos at may asawa.

Walang akong problema sa aking asawa maliban sa pagiging manginginom niya. Ilang beses na siyang naalis sa trabaho dahil pumapasok na amoy alak. Isa siyang factory worker.

Pagdating sa bahay ay walang inatupag kundi uminom kasama ang dalawang kaibigan. Kapag lasing na, sabay tulog.

Ang mabuti’y hindi siya magulong mala­sing. Pero problema pa rin dahil kinakapos kami financially dahil sa laging wala siyang trabaho.

Nagtatrabaho ako sa parlor bilang manikurista at hindi sapat ang kinikita ko para tustusan ang aming pamilya.

Sana ay matulungan mo ako sa problema ko.

Edna

Dear Edna,

Alcoholic ang asawa mo at kailangang talikuran niya ang bisyo. Mahirap gawin iyan maliban kung siya’y ipapasok mo sa rehabilitation program. Gastos din iyan.

Mag-usap kayo at baka makumbinsi mo siyang magbago kung makikita niya na walang kahihinatnan ang buhay ninyo kapag nanatili siya sa bisyo. 

Paano ang kinabukasan ng inyong anak? Paano siya makakapagtrabaho kung lagi siyang nasa espiritu ng alak?

Isa pa, marami na ang nagkaroon ng nakamamatay na sakit dahil sa alak kaya habang maaga’y tigilan na sana niya iyan.

Dr. Love

Show comments