Dear Dr. Love,
Itago mo na lang po ako sa taguring “Dina,” 14 years old at kasalukuyang nasa second year high school sa aming lalawigan.
Isa po sa itinakdang tungkulin sa akin ni mommy ay alagaan ang 75-anyos kong lolo na matagal nang balo. Mahal ko po ang Lolo Miguel ko at ayaw kong mag-isip ng hindi maganda laban sa kanya.
Pero, nitong mga nakaraang linggo ay napapansin ko na may hindi magandang iniisip si lolo kapag nakikita niya ang mahabang legs ng aming kasambahay na si Lydia. Parang nabubuhay ang kanyang malamlam na mga mata at napapangiting mag-isa, lalo na kapag nakapalda si Lydia at nalilihis ito dahilan para makita ang kanyang mga hita.
Minsan ay nakita ko pa si lolo na kinalabit ang puwet ni Lydia, napahiyaw ito sa pagkabigla. Nag-sorry ako kay Lydia para sa lolo ko. Sinabi niya na nagpapasensiya lang siya kay lolo pero marami na itong ginagawa na hindi niya nagugustuhan. Lalo na raw nang minsang pasukin siya nito sa kuwarto habang nagpapahinga.
Ayaw niya raw sanang magsumbong dahil baka siya pa ang mapagalitan sa pag-iisip ng masama sa matanda.
Dr. Love, parang nangingilag na tuloy ako sa aking lolo. Dahil baka ako pa ang mapagbalingan niya. Hindi ko na rin magawang isama sa bahay ang mga kaibigan ko dahil baka kursunadahin sila ng lolo ko.
Dapat ko po bang sabihin ang tungkol dito sa mommy ko o kaya sa daddy ko? Baka mawalan kami ng kasambahay kapag nagpatuloy si lolo ng ganito. Pagpayuhan po ninyo ako.
Gumagalang,
Irene
Dear Irene,
Habang maaga pa, sabihin mo na sa iyong mommy ang inaasal ng iyong lolo para maiwasan ang posibleng paglala pa ng kanyang behavior. Siguro makakatulong kung maikukonsidera ninyong lalaki ang kunin bilang tagapag-alaga sa iyong lolo.
Para mawala naman ang pangingilag mo sa sarili mong lolo, iwasan mo na magkasama kayo nang kayo lang dalawa.
DR. LOVE