Kilos-bading

Dear Dr. Love,

Isang malugod na pagbati sa iyo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Efren, 20 at single pa rin bagamat may napupusuan akong babae. Isa akong journalism student sa isang pamantasan sa Maynila at gusto kong isangguni ang problema ko sa iyo.

Hindi po ako bakla pero napagkakamalan ako dahil sa aking kilos. Pati sarili ko ay kina­iinisan ko dahil sa situwasyong ito.

Wala pa po akong girlfriend dahil nga sa kondisyong ito. Nangingilag ako at nangingi­ming manligaw.

Kahit ang mga kamag-anak ko ay inaakalang bakla ako at tinutukso ako ng mga pinsan ko. Bakit hindi raw ako magpakalalaki?

Nakilala ko po si Celine sa isang party at na love at first sight ako. Naging close kaming dalawa.

Gustung-gusto ko na siyang ligawan pero nahihiya akong magtapat at baka ako mabigo. Ano ang gagawin ko?

Efren

Dear Efren,

Hindi ka pa nga nanliligaw ay natatakot ka nang mabigo? Ano ba iyan? Kung nais mong malaman kung ang babae ay may gusto sa iyo, kailangang humakbang ka. Ibig kong sabihin, ligawan mo siya.

Huwag mong intindihin muna ang maaaring sabihin niya sa iyo. Ang alam ko, sa sandaling­ magtapat ka, makukumpirma niya na lalaki kang talaga.

Effeminism ang tawag sa kondisyon mo. Hindi ka bakla pero mahinhin ang galaw. Mao-overcome rin iyan habang nagkaka-edad ka. Maraming tunay na lalaking katulad mo at sila’y naging successful kagaya mo pero nagkapa­milya at maligaya sila. Hindi kapansanan ang taglay mo Efren.

Dr. Love

Show comments