In love sa iba

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo, Doc. Love. I am praying na sana you are in the best of health upon receiving my letter.

Huwag mo na sanang sabihin ang tunay kong pangalan at itago mo na lang sa alias na White Lily. Ako ay 20-anyos na.

Mayroon akong boyfriend ngayon at one year na kami mahigit. Tawagin mo na lang siyang Armin. Alam mo ba na nung una ay hindi ko siya feel talaga kahit guwapo siya. Pero as time went by, na-develop ang love sa puso ko.  Natutuhan ko siyang mahalin ng totoo.

Mayroon akong bagong manliligaw. Tawagin mo na lang siyang Jimmy. Mas guwapo siya at caring.

Kahit mahal ko ang boyfriend ko, parang may nararamdaman din ako kay Jimmy. Naguguluhan tuloy ako ngayon. Parang wala akong itulak kabigin. Tulu­ngan mo po akong mag-decide.

Gumagalang,

White Lily

 

Dear White Lily,

Hindi lang kaligayahan kundi future mo ang dapat mong isipin.  Pero ikinalulungkot ko na hindi ako puwedeng magdesisyon para sa iyo dahil iyan ay bagay na ikaw lang ang makapagpapasya.

Alam mo naman siguro na walang taong puwedeng maging romantically linked sa dalawang lovers. Isa lang ang pipiliin at mamahalin.

Bago ka gumawa ng desisyon,  pakatiyakin mong tunay ang pag-ibig na nadarama mo at hindi lang atraksyon dahil pogi ang manliligaw mo.

Isa pa, mahigit one year mo nang kaki­lala si Armin samantalang ang suitor mo ay kamakailan lang. Kaya mag-isip-isip ka rin. Ikaw ang nagsabi na natutuhan mo nang mahalin ng tunay si Armin kaya bakit mo siya ipagpapalit?

Dr. Love

Show comments